KAMAY NG DIGMAAN
Tula ni Hosam Maarouf
Isinalin sa Ingles ni Fady Joudah
(Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.)
Tangan natin ang kamay ng digmaan,
hindi upang humakbang iyon kasama natin,
subalit iyon ang kamatayan,
bagamat makupad, inaakit natin ito.
Tangan natin ang kamay ng digmaan,
kumbinsidong ito na ang huling panahong
kumakaway sa atin ang malaking kapahamakan
lalo't walang saysay na dingding ang lansangan,
at hinahagilap ng bansa
ang isang litrato
ng kolektibong kalungkutan.
10.06.2024
* Si Hosam Maarouf ay isang makata at nobelistang Palestino mula sa Gaza. Ang kanyang kalipunan ng mga tula na Death Smells Like Glass (Ang Kamatayan ay Nangangamoy Tulad ng Salamin) ay ginawaran ng premyong Mahmoud Darwish Museum noong 2015. Nagsusulat din siya ng panitikan para sa iba't ibang pahayagang Arabiko.
Pinaghalawan ng tula at larawan mula sa kawing na:
Proyektong pagsasalin na balak ilunsad bilang aklat sa Nobyembre 29, 2024, International Day of Solidarity with the Palestinian People

No comments:
Post a Comment