Posts

Ikaw

Image
IKAW (tula ng isang Palestino) na umagaw ng aking tubig na nanunog ng aking punong oliba na gumiba ng aking tahanan na tumangay ng aking trabaho na nagnakaw ng aking lupain na nagpiit sa aking ama na pumaslang sa aking ina na binomba ang aking bansa na gumutom sa aming lahat na pinahiya kaming lahat subalit ako pa ang sinisisi sa aking paghihimagsik * malayang salin ni gregoriovbituinjr. 01.30.2024 * ang orihinal na tula at litrato ay makikita sa kawing na:  https://www.linkedin.com/posts/kshabir_freepalastine-activity-7131249720181579776-sfOa

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay

Image
ISULAT N'YO PO ANG PANGALAN KO SA AKING BINTI, INAY Tula ni Zayna Azam Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr. Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... Gamitin n'yo po ang permanenteng marker na itim, na ang tinta'y di kumakalat kung ito'y mabasa,  yaong di nalulusaw kung ito'y nalantad sa init... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... Kapalan n'yo po at linawan ang pagkasulat... Idagdag n'yo pa ang inyong pinakamimithi,  upang maaliw akong makita ang sulat-kamay ng  aking inay sa aking pagtulog... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... At sa binti ng mga kapatid ko.. Sa paraang ito'y magkakasama tayo... Sa paraang ito'y malalaman nilang kami'y inyong anak... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... At pakisulat din po ang pangalan n'yo ni Itay sa inyong binti upang maalala tayo bilang pamilya... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay.